“sapagkat minsan kelangan ko ring maging tanga”
-pancakes-
Isa sa mga karumaldumal na bloopers na nahitabo sa aking buhay ay nangyari noong 3rd year hayskul ako at ang aking mga classmates. Hindi ako ang tipong masakitin na bata kung kaya’t konting ehem lang ng kirot, na paparanoid na ako like this “gas, I wanna faint”
Dumating ang third grading exam (day). Di pwedeng walang bolpen, di pwedeng walang calculator at higit sa lahat di pwedeng magkasakit. … sa kabutihang palad, ako ay nagkasakit…..sakit sa ngipin lang naman….according to me ang sakit sa ngipin ay katumbas ng tatlong LBM, pitong lagnat at isang sipon….kaya nga magka-kuto na ako wag lang yang toothache na yan!..ang mas magandang balita ay di lang toothache ang sumapi sa akin kundi TEETH ACHE..
wala ng mas sasaya pa sa araw na yon…teethache during 3rd periodical examination.
BREAKFAST. Halos tumambling ako sa tindi ng sakit pero sabi ko ke Papang “hindi ko isusuko ang exams”….
UMINOM ng pain reliever. tapos umiyak na.
after 15 minutes, ayaw pa ring matanggal ng sakit kaya,
UMINOM ulit ng pain reliever…tapos iyak naman….
after 15 minutes, parang kuryente pa rin sa sobrang sakeet, kaya nag reklamo na ako!
“anong klaseng dolfenal to! dalawang 250 mg na nainom ko, wala pa rin! bu hu hu hu (tsabaw)”
Mamang: ( in her worried mode) nak, sigurado ka bang dolfenal ang nainom mo? (pumunta sa basurahan sa room)
Mamang: ( in her horrible mode) naaaak! vetracin multicaps!!!
Ako: ( in my denial queen mode) dolfenal yan…bu hu hu….( tingin sa dalawang 250 mg na tablet foil…….)
ang nakita–> me drawing na sungay at nakalagay
BU HU HU HU HU Hoink Hoink Hoink Hoink…
( nakakahiya, buti di nakamamatay ang vitamins ng manok at baboy)