Becoming comfortable with people who are different from you will help you grow more comfortable with the ways that you're different from others.
-aso naming charing-

Home » Post Item » ikakasal na siya

ikakasal na siya

Wednesday, June 6, 2007

opo totoo ang balita… 

parang kelan lang nung di pa namin alam ang difference ng baby bra at sando bra…hanggang finally na qualify na kami for a  "this-is-it-bra"…parang kelan lang nung naloloka pa kami sa stationeries at kisses, kelan lang ba yung mga panahong pinagsisigawan naming "hindi nga bakla si Baby spice" at di scary si Scary spice…naaalala ko tuloy nung mga pagkakataong usong uso pa ang brick game at wala pang Piolo Pascual. 

higit sa lahat..naaalala ko siya

nung birhen pa 

at SO-En ang gamit nya.

Friend, di ba usapan natin wag munang palobohin ang balloon ?



 ayayay ikakasal na si friend, magkaka baby na sila…hindi na magiging gaya ng dati..tsk…iiba na ang kanyang anyo at iiba na din ang pangalan. Mag uupdate na sya ng SSS papers at PhilHealth nyan. Kakain sya ng manga, maglalakad sa umaga, maghahanap ng kasoy haynakuu di na gaya noon, past is past na.

Siguro nga panahon na para mag settle down si friend, aynaku hinde hinde!

Sabi ko na eh maniwala ka sa hula eh. 

Pero friend, importante, masaya ka at healthy ayus?

yaan mo na ako actually bitter lang kase di makakadating sa kasal mo.

 

 

 

Posted by pancakes at 8:04 am | permalink

Previous Comments

ayos yan, minsan masarap din magkaron ng responsibilidad! :D ,

Posted by dotep at June 22, 2007, 8:57 pm

Haaay… quarter-life crisis ba iyan? Grabe nakikita ko minsan ang mga kilala ko kinakasal na. Ambilis grabe!

Posted by Ade at June 26, 2007, 7:11 am

Add a comment