Becoming comfortable with people who are different from you will help you grow more comfortable with the ways that you're different from others.

Home » Archives » 04. March 2007

Langya Thickening Cream, I swear kumapal ang mukha ko

Sunday, March 4, 2007

Nasubukan mo na bang mag CR sa Men's?

Ako dalawang beses na. Yung isa sa terminal ng bus at yung isa sa SM City Cinema. Kahapon lang. Eh ano naman ngayon, kesa ma-ospital ako, daanin  na lang sa kapal ng mukha. Kumatok naman po ako nagtanong, "Me lalake pa ba sa loob, makiki-wiwi lang." Lumabas ang 2 lalaki, sabi nung isa me cubicle naman sa loob.

Kaya Ayun! splash splash swiss-swiss-swiss…whew,ecstacy.

Nung me bumukas ng pinto, sumigaw ako "Me babae dito, wag ka munang umihi." (kap—–!) Yung walanghiyang kurimaw pumasok pa rin! K fine hihintayin ko muna syang matapos bago lumabas (parang ambastos ng linya ko)

30 seconds sa loob ng cubicle. Feeling ko di sya nag-wiwiwi kasi ala naman akong marinig na swiss-swiss-swiss. So lumabas ako sa cubicle with all my might habang tinatakpan ng panyo ang mukha! Yung kurimaw sinigawan ako "Hoy miss bakit dito ka umiihi!!!" sabi ko na lang "kayo nga umiihi sa kilid poste wala naman kaming reklamo".

Paglabas ko ng CR eh sya namang pagpasok ng guard. Nakew ano kayang iisipin nya. Bahala na si Lord.

Posted by pancakes at 4:36 pm | permalink | comments[2]

that long and rocky road

Kung bakit ba naman sa dinami dami ng pwedeng mapagkamalang eyeshadow eh yung condom pa na color Pink! nakew–is a shame is a shame! kawawa naman ang inosenteng eyeshadow…at kawawa naman ako! ok na sana kung walang nakakita–ang mga walanghiyang machong kurimaw na yun, nag eenjoy sa aking ka inosentihan…nakakainis! sa tatlong kurimaw na yun, yung isa eh jan lang rin sa may Ybiernas nakatira—haynakuuu–magpapahilot ako ng mukha tuwing makikita ko sya…

Hindi pa naman sya mukhang virgin kaya siguradong "hehehe" ang sabi ng utak nyang cute din.

Ang kaganapan:

Pumunta si Breachelle sa Watson para maghanap ng eyeshadow na bagay sa damit na susuutin ng mga boardmates na mag je JS Prom. Nagkawanggawa na nga ang drama eh nakarma pa. Later ay nakita nya ang rectangular-shaped na kulay Pink na maniwala ka mukha sya talagang eyeshadow. Engot ko talaga-di naman yun nakalagay sa may cosmetics.

Dun yun nakapwesto sa may chocolates (hmm tweet din ba yun?). Nakita kong binili sya ng koreano na parang "wala lang", para lang syang bumili ng kendi mint with matching tinapon pa ng slight, walang ka effort effort. Proud na proud mag eyeshadow. Habang ako naman hinahawakan ko na sya–yung pink na yun. Tas biglang tumitig yung tatlong cute na kurimaw–pati yung cashier at yung isa pang cashier–natingala gid ako! –super smile pa yung kulot na cutie..Tinanong ko pa nga si miss cashier "Miss hypoallergenic ba to?" nyahaha,  nga naman! pwede sa categorya!

"oo miss" , cashier 1

"damu na gausar sina", cashier 2
 
di ko talaga na gets shet! yung mga kurimaw nasa likod ko na para bayaran yung Cadbury nila. Tas hindi ko talaga inaalis sa kamay ko yung pink at take note! take note ha! sabi ko pa "miss pwedeng buksan titignan ko yung kulay". Sabi nya pink yan! Napansin ko na me red tongue na drawing na parang cute naman ang pagkakadrawing. hihihi. Under nung tongue, naka sulat ang adjective na "Long and Rocky ROad". At syempre ang binibining engot, ENGOT pa rin. And my guts pa akong magdemand,
"Miss buksan ko na lang kase long and rocky road nakalagay, baka di sya pink" SHEEEEEEEEET!  my gas! At eto na sumagot na yung isang kurimaw na itago na lang natin sa pangalang "white sando",

"Miss ok yan kasi manipis".

Tas nag momoderate laughing sila na parang  "suya bah!" Humirit pa yung isa 'isipin mo na lang ham yan!"
Mabuti naman di na ako nag reply. Kunwari raw suplada ako. In fairness naman saken, nakita ko yung seal na me nakalagay "SAFE FOR YOUR PROTECTION". (is a condom is a condom !!)

ayun shoot, eyeshadow nga!

syempre isnab to the max ako dun sa mga kurimaw na naka sando kahit malamig tse!
eh ano naman ngayon! cookies and cream ang hanap ko leche!

tandaan LONG AND ROCKY ROAD—>mabibili sa watsons!

 

Posted by pancakes at 4:06 pm | permalink | comments[6]