Ako ay may kwento.
Brent Javier. Sa lahat ng mga boylets na sumakay sa aking tren, si Brent ang pinakahuling bumaba. Oo almost one and half years rin ang tinagal namin. Nagkakilala kami sa Bora kung saan nag pipictorial sya para sa kanyang AMP endorsement. Naaalala ko pa ang mga una naming titigan–sin lagkit ng malamig na binignit. Halos matunaw ako, gosh. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkita muli kami sa Gaisano City, I mean Guanco. Naghahanap ako ng nailcutter nun. Ilang araw ang nakalipas at nagkita na naman kami sa may simbahan. Akala ko nung una, "destiny", yun pala talagang (ayokong sabihin to) stalker ko sya.
At nabihag nga akong tuluyan. Marami kaming masasayang memories. Sa kanya ako natuto ng maraming bagay kagaya ng jackstone at pitik uwak. Haay nakakamiss. Di naglaon ay naramdaman kong ako'y napipisil na sa aming relasyon. Patay na patay sya sakin kaya ganun na lang sya ka-obsessed. Masyado rin syang protective. Ni ayaw nya nga akong nakikipaglandian sa araw. Ayoko ng ganun, kaya ang sabi ko "Brent , it's over".
Vanness Wu. Sa kabila ng kanyang kasikatan, di maikakaila ang kalungkutan ng kanyang puso. Ilang beses na rin syang nakipagbalikan sakin subalit di kaya ng pride ko ang ginawa nyang pagtataksil. Oo akala ko sya na si Mr. Right dahil long haired sya, pero isang araw ay nahuli ko syang nag fe ferris wheel kasama si Vivian Hsu. Napakasakit ng kanyang ginawa. Hindi pa sila nakontento, nag bump car pa sila.
Sa sobrang sakit ay pinababa ko sya sa tren. Ngayon di pa rin sya tumitigil sa paghabol, pero ayoko na at ang sabi ko sa kanya, "Vanness, it's over".
Lee Dong Gun. Sumunod na sumakay si Lee. Medyo nakakahiya ang love story namin pero aminado naman akong minahal ko sya ng totoo. Sumakay sya sa tren ng walang dalang pamasahe. Kinausap nya ako at nilambing lambing upang makalibre. Natuwa naman ako. Cute kasi at matangkad. Sa loob ng 5 buwan ay naging sugar mommy ako ni Lee. Kontento na kasi sya sa ganun. Talent nya ang magpalibre.
Napagod ako. Nawala ang excitement ko tuwing inaaya nya akong mag date dahil alam ko namng ako rin ang magbabayad. Natatakot ako pag pumupunta kami sa mga high end malls. Nung una natitiis ko pa ang tig 70 pesos na 8 oz coke sa Pearl Farm. Na-trauma na lang ako pagkatapos naming mag bakasyon sa Hongkong.
Nagising ako kaya ang sabi ko sa kanya, "Lee, it's over".
Marky Cielo.Pinakabata sa mga boylets ko si Marky. Hindi sya kagwapuhan, nakaka-turn off ang favorite color nyang apple green, at higit sa lahat minsan syang naging bading. Napaka low profile nya at mahinhin kaya nga 3 days and two hours lang ang haba ng panliligaw nya sakin. Sa lahat ng boylets ko, si Marky lang ang hindi half Filipino half Taiwan. Masaya ako sa kanya, marami kaming similarities. Mapa-food, mapa-movies, singers, brand ng posporo, at higit sa lahat brand ng lipgloss.
Natuldukan ang lahat noong Setyembre 3, 2003. Pinuntahan nya ako sa bahay upang sabihin na gusto nyang magpatubo ng boobs. Hindi na ako nagulat dahil earlier that week, nagpa tattoo sya sa kanyang shoulder ng "maldita".
Ang tanging nagawa ko lang ng araw na yun ay tumingin sa kanyang pektyur at sabihing, "Marky, it's over".
Jun Jin. Kitang kita naman kung gaano sya kamanyakis pagdating sa akin. Pero mahal ko yan. Kahit na isang beses sa isang araw lang yan mag toothbrush, nagpapahalik ako dyan. Wahaha, Long Hair na naman? ewan masyado talaga akong attracted sa mga long haired animals. Isa syang Koreano at nagkakilala kami sa may Jollibee Gen.Luna. Gusto nyang umorder ng regular fries with rice subalit di sya marunong mag English. Tamang tama namang nasa likod nya lang ako sa pila kaya ako na ang nagsalita in behalf of him, "Miss I am order small fries with rice puleez".
abangan ang mga upcoming…
wala ng mas kakapal pa
wahahahaha….may your love life Prosper;))
Posted by Amy at February 7, 2007, 2:30 am